Ang Down Syndrome Association of the Philippines, Inc (DSAPI) ay itinatag noong 1992 ng mga magulang at mga manggagamot upang makatulong sa mga pamilya ng mga batang may Down Syndrome. Layunin nito na makapaghain ng wastong kaalaman upang maunawaan ang mga batang may Down syndrome, at matugunan ang kanilang mga pangangailangan para sa kabutihan ng kanilang pamumuhay.
Sa pamamagitan ng wastong kaalaman, inaanyayahan namin kayong tanggapin ng buong kalooban ang inyong mga anak na may Down Syndrome at inaasahan namin na makakaranas ang bawat pamilya ng lubos na kasiyahan sa kabila ng mga pagsusubok ng pagaaruga ng mga batang may Down syndrome.
Bilang mga magulang o pamilya ng mga taong may Down syndrome, kayo ay inaanyahan na makilahok sa samahan na ito at makinabang sa mga seminars, free-clinic, at iba’t ibang programa. Ito ay isang tipanan nating lahat na magbibigay daan sa pagpapalit ng mga karanasan ng bawa’t isa sa pagaaruga ng mga batang may Down Syndrome na maaring makatulong sa ating kapwa.
Ang DSAPI ay pinaglilingkuran ng mga boluntaryo na nais makatulong sa kapwa sa pamamagitan nga iba’t ibang mga programa:
- Parent Support
- Early Intervention Seminar
- Y2K Seminar
- Awareness Seminar
- Medical Advisory Committee
- Free Clinic
- Fund raising
- Events and Socials
- Buddy Walk
- Special Olympics
- Public Relations
L-R: Tony Pasia, Alexis Reyes, Carmencita Padilla, Sec. Manolette Dayrit, Elmer Lapeña, Winston Maxino
Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa Down Syndrome o para makapagbigay ng tulong sa DSAPI, sumangguni sa sumusunod na mga tanggapan:
DOWN SYNDROME ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, INC. MRCFI Building, Camia Street, Guadalupe Viejo, Rockwell Compound, Makati City. Tel. Nos.: (02) 895-96-42 or (02) 895-36-06 / E-mail: dsapi@hotmail.com
Website : downsyndrome.org.ph
DSAPI-Davao Branch Office c/o ANFLOCOR, Damosa Complex
Lanang Commercial Center, Davao City
Telefax No.: (082) 234-2280
DSAPI-Cebu Branch Office:
c/o Juanito King Foundation, Inc., 8th Floor Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cebu City
Tel. No.: (032) 232-6061 / Fax No.: (032) 232-6063